Wednesday, September 1, 2010

Kilig (Ang Tula)

Para bang damong kumikiliti
Sa aking hubad ng talampakan,
Ang iyong nakangiting mata’t labi’y
Magdudulot ng kilig kanino man.

Tulad ng haplos ng mga daliri
Sa brasong walang kubli,
Ang iyong mga titig
Nakakakilig, balahibo’y tumitindig.